Nitong Marso, ginunita ng mga Bangsamoro ang ika-54 na anibersaryo ng Jabidah Massacre o ang sinasabing pagpaslang sa Corregidor ng mga kabataang Moro na ni-recruit at nagsasanay para sa Oplan Merdeka noong 1968.
Nais ng mga Bangsamoro na tanggapin bilang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang yugtong ito, na sinasabing isa sa mga inspirasyon sa pakikibaka nila para sa tunay at makabuluhang awtonomiya.
Ngunit ayon kay dating Senador Juan Ponce Enrile, na isang mataas na opisyal noong rehimen ni dating Marcos, walang masaker na naganap. Ang buong kwento, alamin sa video.